Patawang Pinoy

Jovit!? Moya!?

Posted on: June 15, 2010

Ang bagong star ng ABS-CBN

Hindi ko talaga sinusundan palagi ang Pilipinas Got Talent dahil adik ako sa internet at dahil sa bolahan ng Lotto. Alas-otso pa lang, dapat nasa NBN 4 na ang telebisyon kahit na 8:50 pm pa ang bolahan. No wonder nakikita niyang magaling na presidente si Gloria. Pero kapag lotto na, ayan na, nabubuhayan na siya ng loob. Taya siya ng taya kahit isa o dalawang number lang makukuha niya. Ang pinakamataas na yata niyang napanalunan ay four numbers at nagpabili siyang Andok’s, ice cream at pansit noon (parang magpapabitay lang ah).

Pero speaking of sugal, sigurado ako na isang sugal ang pinagdaanan ni Jovit Baldivino bago siya manalo sa unang season ng Pilipinas Got Talent. Bago pa man magsimula ang finals, malakas ang kutob ko na siya ang mananalo (ewan ko lang kung sinong nakitang mananalo nila Madam Rosa, Madam Auring at Suzette Arandela). Bakit? Kasi hindi siya tao kung hindi halimaw. Oo, halimaw siya kumanta. Kapag tinignan mo, parang hindi niya boses yun. Pero buo ang boses niya, hindi lang pangpamilya, pang-isports pa. Hehe.

Kinanta niya ang “Too Much Love Will Kill You” ng Queen sa Finals Night. Sa tagalog, ang ibig sabihin noon ay “Walang Magmamahal: Nakamamatay”. Hala, kamusta na lang kung walang pag-ibig. Sabi nila, love makes the world go round. Kung wala bang pag-ibig, hindi na iikot ang mundo. For that, samahan niyo akong magtirik ng kandila at kumanta ng “Sana’y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo…”. Pero kung puro pag-ibig, paano na ang pera. Haay, pera ba o pag-ibig? Or pag-ibig na hulugan or for rent?

At dahil sa pera at pag-ibig, nawala na ako sa kwento. Ayun, nanalo na nga si Jovit. At daig pa niya noong nasa commercial ng Safeguard (Kongrashulashons, you wun one melyon kas) dahil two million ang napanalunan niya. At bilib naman ako sa kanya dahil gusto niya talagang tulungang makapagtapos ang kanyang mga kapatid. Dahil diyan, saludo ako sa iyo Jovit and may you have more birthdays to come (Huh!?). Anyway, malaki-laking halaga din ang two million. At bukod sa pag-aralin ang kanyang mga kapatid, heto pa ang pwede niyang gawin.

1. Kung dati, nagbebenta lang siya ng siomai, ngayon pwede na siyang magpa-franchise ng siomai. Marami siyang pwedeng gamitin na pangalan tulad ng “Jovit’s Siomai”, “Ang Siomai ni Jovit” or “Pilipinas Got Siomai”. Siyempre may franchise fee yun at kasama na sa franchise fee ang mga lutuan ng siomai at mga banner ng siomai stall na siya din ang endorser. At habang nagbebenta ang mga empleyado niya, pwede siyang kumanta at maglagay ng tasa sa harapan na huhulugan ng barya o perang papel for more income. At kapag naging stable na ang siomai business niya, pwede na din siyang mag-cater sa ASAP XV.

2. Bilang patungo na siya sa kasikatan, kailangan kumuha na siya ng bodyguard. At bilang tukayo niya, why not Jovit Moya!? Tignan mo ang credentials ni Moya: tunay na Pulis, tunay na alaga ni Kuya Germs at tunay na lalake (weh, lokohan na ito!!!). Kaya kung ako sa iyo Jovit Moya, kagatin mo ang offer kapag nagkataon at baka ma-revive pa ang career mo at ang mababa mong boses.

3. In three years, pwede na siyang tumakbo for public office at may pondo naman na siya. At advantage pa niya na magaling siya kumanta dahil yun naman ang ginagawa ng mga politiko para makakuha ng boto. At para sa jingle niya, pwede siyang kumuha ng kanta na pinasikat ng Male Attraxion. I like to Jovit, Jovit, I like to Jovit, Jovit, I like to Jovit, Jovit, I like to Jovit!

4. Pwede din siyang magproduce ng concert series kasama ni Bugoy Drilon. Pwede din silang magtayo ng grupo na tatawaging “Rags and Riches” dahil sa success story nilang dalawa. At ang kanilang mga concert tours ay hindi lang puro kantahan dahil may inspirational part din kung saan magkukwento sila ng mga pinagdaanan nila. Tapos ang bawat leg ng concert series ay may unified ending song na “Parang kailan lang, ang mga pangarap ko’y kay hirap abutin…”. At kapag kinakanta na nila yun, lalabas lang surprisingly si Nora Aunor tapos sasabitan niya ng sampaguita sina Bugoy at Jovit. Parang birthday lang. Hehe.

5. Sabi ni Kris Aquino, si Jovit daw ang lalakeng Charice Pempengco. At napagisip-isip ko, bagay silang maging magka-love team. Isipin niyo, pareho sila ng background story, pareho silang singer at pareho silang vertically-challenged. Hehe. Cute silang love team if ever at pwede pa magproduce si Jovit ng musical para sa kanila. Ang title ay pwedeng “Pocket Love” or “Size Does Not Matter in Love”.

Babushka Major!

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: