Patawang Pinoy

Its the coffee fruit, from the coffee tree from the coffee pound family… :)

Napakarami na lang nagsusulputang brand ng kape na ibinebenta sa mga tindahan at nagpapatalbugan ng benefits. Kung dati at parang pang-umaga lang ang kape kasunod ng pagi-inat at pagtanggal ng muta sa mata, ngayon harmless na ang ang pag-inom ng kape sa gabi no, malas malas ka diyan, and so what kung magkakape ako… subukan mo ang lasa niyan, try mo! hehe.

At bago pa man ako mapagkamalang endorser ng Nescafe Decaf, nakakaintriga lang ang samu’t saring kape na mabibili na sa tindahan. At ang nakakatawa lang sa kanila, talbog ka na kapag 3-in-1 lang ng kape mo dahil may mga brand na mas maraming chemical composition. Parang kahit tipong 3-in-1 na lang eh hindi na papansinin dahil may mga kape na mas maraming benefits and mas sulit. Dahil diyan, sinubukan namin hanapin ang mga laman ng mga kape.

(To read the entire post, click here.)

Advertisements

Ang bagong star ng ABS-CBN

Hindi ko talaga sinusundan palagi ang Pilipinas Got Talent dahil adik ako sa internet at dahil sa bolahan ng Lotto. Alas-otso pa lang, dapat nasa NBN 4 na ang telebisyon kahit na 8:50 pm pa ang bolahan. No wonder nakikita niyang magaling na presidente si Gloria. Pero kapag lotto na, ayan na, nabubuhayan na siya ng loob. Taya siya ng taya kahit isa o dalawang number lang makukuha niya. Ang pinakamataas na yata niyang napanalunan ay four numbers at nagpabili siyang Andok’s, ice cream at pansit noon (parang magpapabitay lang ah).

Pero speaking of sugal, sigurado ako na isang sugal ang pinagdaanan ni Jovit Baldivino bago siya manalo sa unang season ng Pilipinas Got Talent. Bago pa man magsimula ang finals, malakas ang kutob ko na siya ang mananalo (ewan ko lang kung sinong nakitang mananalo nila Madam Rosa, Madam Auring at Suzette Arandela). Bakit? Kasi hindi siya tao kung hindi halimaw. Oo, halimaw siya kumanta. Kapag tinignan mo, parang hindi niya boses yun. Pero buo ang boses niya, hindi lang pangpamilya, pang-isports pa. Hehe.

Kinanta niya ang “Too Much Love Will Kill You” ng Queen sa Finals Night. Sa tagalog, ang ibig sabihin noon ay “Walang Magmamahal: Nakamamatay”. Hala, kamusta na lang kung walang pag-ibig. Sabi nila, love makes the world go round. Kung wala bang pag-ibig, hindi na iikot ang mundo. For that, samahan niyo akong magtirik ng kandila at kumanta ng “Sana’y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo…”. Pero kung puro pag-ibig, paano na ang pera. Haay, pera ba o pag-ibig? Or pag-ibig na hulugan or for rent?

At dahil sa pera at pag-ibig, nawala na ako sa kwento. Ayun, nanalo na nga si Jovit. At daig pa niya noong nasa commercial ng Safeguard (Kongrashulashons, you wun one melyon kas) dahil two million ang napanalunan niya. At bilib naman ako sa kanya dahil gusto niya talagang tulungang makapagtapos ang kanyang mga kapatid. Dahil diyan, saludo ako sa iyo Jovit and may you have more birthdays to come (Huh!?). Anyway, malaki-laking halaga din ang two million. At bukod sa pag-aralin ang kanyang mga kapatid, heto pa ang pwede niyang gawin.

Read the rest of this entry »

Noynoy to other presidentiables: "You're such a losers!"

Ako ay nagta-type ng kung ano sa aking computer nang bigla kong marinig ang proclamation ceremonies sa TV. Tumakbo ako, nanood, nagtaka kung paano nakapasok ang ganoong karaming tao sa session hall ng kongreso at nakita ko na itinaas nila ang kamay ni Noynoy Aquino na pilit ipinakita na malago pa ang buhok niya. Akalain niyong may hair stylist pa siya para doon. So ayun, proklamado na siya at wala nang balak maghabol pa ang mga kalaban niya sa pagkapangulo ng protesta.

Ang nakakatuwa lang, yung tatlong nasa baba (Madrigal, Perlas, De Los Reyes) ang gumagawa pa rin ng ingay. At mas nakakatuwa pa doon, mas marami pang boto ang nakuha ni Acosta kaysa sa boto ng tatlo. Posibleng nagkamali ng initimang itlog yung mga “bumoto” kay Acosta. Aba, hindi biro ang mainit na voting area kung saan mainit na ang ulo ng BEI chairman dahil hindi pa siya kumain, basa na ang bimpo ng third member dahil sa pawis at may mga poll watcher pa na nagpapa-cute sa mga dalagang botante. Hehe.

Pero tapos na ang eleksyon (pwera na lang kay Mar Roxas). At pagpatak ng June 30, heto ang mga asahan niyong mangyayari sa gobyerno o sa buhay ng mga Pilipino:

Read the rest of this entry »