Patawang Pinoy

Ngayong Magiging Presidente na si Noynoy Aquino…

Posted on: June 12, 2010

Noynoy to other presidentiables: "You're such a losers!"

Ako ay nagta-type ng kung ano sa aking computer nang bigla kong marinig ang proclamation ceremonies sa TV. Tumakbo ako, nanood, nagtaka kung paano nakapasok ang ganoong karaming tao sa session hall ng kongreso at nakita ko na itinaas nila ang kamay ni Noynoy Aquino na pilit ipinakita na malago pa ang buhok niya. Akalain niyong may hair stylist pa siya para doon. So ayun, proklamado na siya at wala nang balak maghabol pa ang mga kalaban niya sa pagkapangulo ng protesta.

Ang nakakatuwa lang, yung tatlong nasa baba (Madrigal, Perlas, De Los Reyes) ang gumagawa pa rin ng ingay. At mas nakakatuwa pa doon, mas marami pang boto ang nakuha ni Acosta kaysa sa boto ng tatlo. Posibleng nagkamali ng initimang itlog yung mga “bumoto” kay Acosta. Aba, hindi biro ang mainit na voting area kung saan mainit na ang ulo ng BEI chairman dahil hindi pa siya kumain, basa na ang bimpo ng third member dahil sa pawis at may mga poll watcher pa na nagpapa-cute sa mga dalagang botante. Hehe.

Pero tapos na ang eleksyon (pwera na lang kay Mar Roxas). At pagpatak ng June 30, heto ang mga asahan niyong mangyayari sa gobyerno o sa buhay ng mga Pilipino:

1. Si James Yap ay magiging pinuno ng Philippine Sports Commission. Kung hindi man, mahirap na siyang tawagan ng foul sa PBA. Iba na talaga kapag brother-in-law mo ang Presidente. Ang hirap na lang siguro noon na kapag na-thrown out si Yap sa isang laro, paaabutin pa sa Korte Suprema ang kaso. Haha.

2. Si Edwin Lacierda ang nahirang na Presidential Spokesperson. Pero kung may sakit si Lacierda, si Kris Aquino daw ang papalit. And boy, what an ingay yun pagdating sa Malacanang. Kailangan maganda ang set design, may script at may audience (bukod sa press) sa bawat mandatory press conference na siya ang magpre-preside. At bago magsimula, kailangan sumunod sa floor director at pumalakpak. Kung hindi, labas! Kung mangyari man yun, doon pa lang yata makakapasok sa Malacanang ang reporter ng Kislap, Liwayway, Star Studio at Movie Magazine (ang tanda na lang ng Movie Magazine).

3. Yellow ang magiging kulay ng Pilipinas. For that, magbabago na naman ang kulay ng mga foot bridge at urinals. Tutal pabago-bago na lang ang kulay, bakit kaya hindi na lang nila gawin hologram ang mga yun para pagtama ng araw, nagiiba-iba ng kulay (ay blue na, ay green na, ay yellow na!). Lahat yellow: yellow walls, yellow na poste ng Meralco, yellow na basketball court, mga puno na yellow ang trunk at mga ngipin na kulay yellow.

4. Dahil si Boy Abunda ay host ng “The Buzz”, hindi na lang ito magiging showbiz talk show. Magkakaroon na din sila ng segment na “The Working President” within the show kung saan ipapakita ang mga nagawa ni Pangulong Noynoy. Tapos may interview pa with cabinet members, foreign ambassadors at iba pang politicians. At siyempre, pagkatapos ng interview, kailangan bigyan ng bouquet of flowers yung guest.

5. Ang bahay ni Noynoy sa Times Street sa Quezon City at magmimistulang bahay ni kuya dahil sa dami ng nanonood at nag-aabang sa mga mangyayari sa loob nito. Bukod pa diyan, pwede na din maging dasalan ang lugar na ito ng mga taong gustong humiling sa bagong Pangulo. For that, huwag na kayong magulat kung lumipat ng negosyo doon ang mga nagbebenta ng itlog sa Monasterio de Sta. Clara, mga tindera ng kandila sa Quiapo at mga tindera ng laruan sa labas ng simbahan ng Cainta. Haha.

6. Si Shalani Soledad ang magiging mukha ng kababaihan at malamang ay ikakasal din naman sila in the future. Sabi pa nga ng may asim pa na si Madam Auring (naku, maasim nga!), baka this year na daw ang kasal. Well, kung ganun, galugarin niyo lahat ng simbahan sa Pilipinas at tignan ang mga marriage banns kung nandun na sila. Anyway, so si Shalani nga. Kung magkaanak sila ni Noynoy, ano kaya ang pangalan? Shanoy? Noylani? Benlani (dahil Benigno si Noynoy)? or para maarte pakinggan, Shellane?

7. Si Dinky Soliman muli ang magiging DSWD secretary at para sa kanyang unang proyekto, sisimulan niya ang Dinky Does Outreach for the Oppressed. In short, DINKY DOO! Kaya sa mga banner, streamer o poster ng proyektong ito, makikita si Dinky Soliman na nakataas ang kamay kasama ni Dinky Doo (ang dakilang side-actor ni RonnRick). Hehehe.

8. Kung ma-insecure man si Noynoy sa kapal ng kanyang buhok, tiyak bibili yun ng peluka. For that, magtataasan ang presyo ng peluka at mas mataas ang demand for raw material kaya hihingin nila yung mga nagupit na nawalis nang buhok sa mga parlor at barberya. Malay niyo, maging peluka capital of the world tayo at magkaroon pa ng Peluka Fashion Week.

9. Ngayon lang yata tayo magkakaroon ng presidente na nag-rap sa kanyang political ad (Baguhin ang buhay, maglilingkod sa inyo. Buong mundo, ipagmalaki mo, tayo’y Pilipino) at hindi yan ang huling rap song niya. Magkakaroon siya ng Noynoy Mix Tape volume 1 kung saan may mga hits tulad ng rap version ng “Tie AYellow Ribbon” at mga original cuts tulad ng “Skip to My Lou-isita”, “Gaganda ang Buhay” (feat. Jojo Binay) and “Shalani, My Love, So Sweet”. Mas mabuti na ito kaysa sa Hello Garci Mix Tape.

Siyempre, limited copies lang ito para hindi mapirata. At ang title pala ng album? “Noynoy is My Boy”. Oh yeah, break it down!

10. Ang hindi sumunod sa kanya, mumultuhin ni Ninoy at Cory. Gusto mo ba yun?

Babushka Major!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: